Love me...Hate me...Leave me Or Live this life with me...

Home » Post Item » SABIK NA SABIK (MISS NA MISS)

SABIK NA SABIK (MISS NA MISS)

May 11, 2008

ko ng makasama ang Dambby’t Mommy ko! anong magagawa ko kungdi kayo ay batiin na lang kayo sa araw na ito ng:

HAPPY MOTHER’S DAY!!! (AND HAPPY MAMA’S BOY TO ME) LOVE U :-* :-* :-* <3

gayun din sa lahat ng mga INA.

P.S. aking ninais na matulog kagabi ng alas nuwebe at gumising ngayon ng alas singko y medya (ang normal kong tulog at gising sa Pilipinas).   sa wakas kagabi rin, nakatapos din ako ng pagdadasal ng rosaryo dahil magbuhat ng kamiý sinasagad sa trabaho e paputol putol ang dasal ko. ngayon ko rin nalaman na ang Mayo rin pala e buwan ng rosaryo.

P.S. nagligpit na ako ng mga laptop na nakaset-up sa dining at baka mawalan pa ako ng oras para ayusin at tanggalin na rin ang nakakalat at sala-salabit na kable (RJ45) sa sahig.  niligpit ko na rin ang mga pinagkainan kagabi at tila akoý nagtataka kung bakit meron e gayong hindi naman ako kumain kagabi. walastik talaga.

P.S. mag-uunat lang ako. pagkatapos kong ma-blog ito. makapunta sa gym at mapawisan man lamang.

P.S. gutom na rin ako.

P.S. nagpapa-ikot na rin ako ng mga maruruming damit. lintik! di ko alam kung anong uunahin.  ang dami kong gustong gawin.

P.S. balisa sa pagtulog…gusto ko ng UMUWI!!! (matatapos din ang proyektong ito)

Posted by jache at 6:22 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment