Love me...Hate me...Leave me Or Live this life with me...

Home » Archives » 18. December 2007

Uwi na!

December 18, 2007

kahapon sa pinas ang Christmas party ng Sunlife…

balak naming sabayan ang kasiyahan at kami'y mag-pho-photo op sa avenue of stars pagkatapos din manood at maglitrato ng symphony of lights.  ang ending? overtime kami hanggang alis dyes sa opisina!

binawi na lang namin pag-uwi sa hotel at kami'y umorder ng hapunan hatid sa kuwarto ni madam ursua sabay nuod ng pelikula!  hahahahahaha

kanina alas-singko pa lang ng madaling araw gising na para ma-ihatid na ang aming mga bagahe sa airport express in-town check-in sa kowloon ngunit hayun dinala kami ng taksi sa mismong paliparan!  laki gastos at sayang oras.  pagkatapos namin ma-tsek-in ang mga bagahe at makasakay ng shuttle pa-hotel,  aking napansin na mali ang naibigay na pangalan kay madam lea at malamang na madala ng ibang eroplano ang kanyang lageyg! kamalasan!

ngayon andito kami sa opis at nag-tratrabaho pa rin! naknang…

hamo na sya, at kami'y balik pinas na mamaya! yipeeeee… sexxxyyyy timmmeeee!  ;-)

P.S. Ipagpaumanhin po at parang hinahabol namin ang oras lalu na sa pamimili ng pasalubong, hindi na ako nakapag-blog at upload ang mga litrato dito sa HK.  Sana magkaroon ng ekstrang panahon upang magawa ko ito… 

Posted by jache at 12:13 pm | permalink | Add comment